Sinampahan ni Bise Presidente Jejomar Binay, ng P200 million peso damage suit ang ilang senador.
Kabilang sa kinasuhan sina Senator Antonio Trillanes IV, Senator Alan Peter Cayetano, Ombudsman Conchita Carpio – Morales, dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, at iba pa.
Una nang iginiit ng kampo ni Binay na walang katotohanan ang mga inihayag ni Mercado, at ilan pa nitong kasamahan na nagbukas ng mahabang imbestigasyon sa umano’y mga anomalyang kinasangkutan ng pamilya.
Nagpa-panic na
Nagpa panic na si Vice President Jejomar Binay.
Ito ayon kay Senador Antonio Trillanes ang patunay nang pagsasampa ni Binay ng P200 million peso damage suit laban sa kaniya, kay Senador Alan Peter Cayetano, dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado at iba pa.
Sinabi ni Trillanes na sinusubukan ni Binay na takutin ang mga umuusig sa kaniya subalit hindi siya natatakot dito.
Tiniyak ni Trillanes na hindi siya titigil o tatahimik at tuluy-tuloy ang pagbubunyag niya laban kay Binay.
Handa rin naman aniya niyang harapin ang naturang kaso.
By Katrina Valle | Jonathan Andal | Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)