Aabot sa P200M at halos 200K trabaho ang mawawala sa Pilipinas sa pagbabalik ng Metro Manila sa Alert Level 3.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, mawawala sa bansa ang parehong halaga na nakuha nito nang isailalim ang National Capital Region sa Alert Level 2.
Sa kabila nito, aminado si Lopez na maiging naihanda ang bansa sa posibleng biglang pagdami ng Omicron cases.
Nakita naman anya ng gobyerno ang naranasan ng ibang bansa tulad sa US, United Kingdom at iba pang European countries kung saan lumala ang sitwasyon dahil sa muling pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.
Mananatili ang NCR sa Alert 3 hanggang Enero a–15 dahil sa biglang paglobo muli ng COVID cases.