Nakumpiska ng Bureau of Animal Industry Veterinary Quarantine Services Office at African Swine Fever (ASF) task force ang P200,000 halaga ng ipinagbabawal na luncheon meat na gawa sa China.
Ayon sa mga otoridad, nasa mahigit 3,000 lata ng “Maling luncheon meat” ang nakumpiskang kontrabando habang ibinababa ang mga ito mula sa isang barko.
Mula umano sa Bohol ang shipment at nakatakdang sana itong dalhin sa isang distributor ng mga de lata.
Magugunitang ipinagbawal ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapapasok sa bansa ng mga pork products mula sa 20 bansa kabilang na ang China dahil sa kaso ng ASF.