Nasabat ng QCPD – DDEU o Quezon City Police District – District Drug Enforcement Unit ang aabot sa dalawapung gramo ng hinihilang shabu na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso (P200,000.00) sa isang drug den sa Barangay Old Balara, Quezon City.
Ayon kay Police Inspector Ferdinand Mendoza, hepe ng QCPD – DDEU, kanilang narekober ang labing apat na plastic sachet ng shabu matapos ihain ang search warrant laban sa isang Osing Morales na miyembro umano ng Robbery Hold Up Group na Bonnet Gang.
Hindi naman naabutan ng mga otoridad ang suspek na si Morales sa hinihinalang drug den subali’t kanilang naaresto ang sinabing drug courier nito na si Anthony ‘Butchoy’ Pantinople.
Maliban sa iligal na droga ay narekober din ng mga pulis ang ilang mga bala ng baril sa nasabing drug den.