Tatanggap ng 20,000 peso bonus sa Pasko ang mga empleyado ng Cebu City Hall sa kondisyong dapat ay fully vaccinated na silang lahat kontra COVID-19.
Ito ang tiniyak ni acting mayor Michael Rama bilang paraan upang makahikayat ng mas maraming empleyado na magpabakuna.
Hindi anya ilalabas ang bonus kung hindi pa nila nakikitang bakunado na ang lahat ng empleyado.
Sa datos ng city government, nasa 297,000 individuals na ang fully vaccinated hanggang nitong Lunes.
Target ng lungsod na maturukan ng COVID-19 vaccine ang nasa 700,000 o 70% ng mahigit 900,000 na populasyon. —sa panulat ni Drew Nacino