Ipinanawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang distribusyon ng P20,000 Service Recognition Incentive (SRI).
Ito’y kasunod ng anunsyo ng Department of Education (DepEd) na P15,000 lamang ang ipamimigay nito sa kanilang eligible employees.
Binigyang-diin ni ACT Chairperson Vladimer Quetua na isang luma na at hindi katanggap-tanggap para sabihin ng DepEd na masyado itong maraming empleyado na hindi na kayang bayaran ang buong benepisyo.
Nakatanggap lamang anya ang DepEd employees noong 2019 ng incentive na P7,000 bago mag-pasko at ang natitirang P3,000 noong Pebrero 2020 at naulit noong 2021.
Iginiit ni Quetua na hindi dapat madehado ang mga guro sa paghahatid ng pinakamalawak na serbisyo ng gobyerno at dapat tiyakin na mabibigyan ng benepisyo nang buo at nasa oras bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa ating mga kabataan. —sa panulat ni Hannah Oledan