Nakakabili na ng bente pesos na bigas ang mga residente ng Botolan, Zambales sa ilalim ng programa ng lokal na pamahalaan.
Buhat ito ng Rice Subsidy Program ni Botolan Mayor Omar Jun Ebdane na nagsimula noong Hulyo 12 na tatagal hanggang Setyembre 29.
Sa ilalim ng programang ito, makakabili ng isang kilong bigas ang mga residente sa halagang bente pesos at mabibigyan pa ang mga ito ng isa pang kilo kapag bibili naman ng limang kilong bigas.
Matatandaang isa ang bente pesos kada kilo ng bigas sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. noong nangangampanya pa lamang ito. - sa panulat ni Hannah Oledan