Nasa P20 milyong halaga ng smuggled “agricultural products” ang nasabat ng Bureau of Customs at Department of Agriculture sa port of Subic.
Disyembre a – 1 nang maglabas ng alert order si Port of Subic District Collector Maritess Martin laban sa mga kargamento ng Veneta Consumer Goods Trading at Lalavy Aggregates Trading, na nagmula sa China.
Sa isinagawang pagsusuri noong Martes, nadiskubre na idineklarang “assorted foodstuffs” pero naglalaman ng frozen carrots ang kargamento ng veneta.
Idineklara naman bilang frozen lobster balls at crabsticks ang kargamento ng Lalavy pero napag-alamang pula at puting sibuyas ang nilalaman ng container.
Maglalabas naman ang Port of Subic ng warrants of seizure and detention laban sa mga kargamento pagkatapos ng kumpletong pagsusuri at imbentaryo.