Inalmahan ng maraming employers ang 21 pesos na umento sa sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Ayon kay ECOP o Employers Confederation of the Philippines President Donald Dee, magiging mabigat para sa kanila ang nasabing dagdag sa arawang sahod.
Sinabi pa ni Dee na maaaring ipatong nila sa mga presyo ng mga produkto at serbisyo ang pagkukunan ng nasabing umento.
Una nang sinabi ni Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines Spokesman Alan Tanjusay na hindi sapat at barya lamang ang inaprubahang 21 pesos na dagdag sahod.
Batay sa anunsyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, magiging 521 pesos na ang minimum wage ng mga manggagawa sa NCR simula sa Oktubre.
—-