Higit P214 na milyong piso halaga ng imprastraktura at agrikultura ang nasira sa Cordillera at Ilocos dahil sa bagyong Egay.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa higit 13,000 pamilya ang apektado ng bagyo sa Ilocos, Mimaropa at Cordillera Region.
Habang nanatili naman na walang naitalalang nasawi sa pananalasa ng bagyo.
Sa kabuuan, pitong kabahayan ang nasira habang halos 200 naman ang bahagyang nasira sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Palawan, Benguet, Abra at Kalinga.
Nagdeklara naman ng state of calamity ang La Union dahil sa matinding pagbaha.
By Rianne Briones | Aya Yupangco (Patrol 5)