Nasa 22 billion pesos ang inilaan ng gobyerno sa 2023 budget para sa pagbili ng karagdagang COVID-19 vaccines.
Ito ay batay sa presentasyon ni Department of Budget and Management secretary Amenah Pangandaman sa Development Budget Coordination Committee(DBCC) budget briefing ng Kamara.
Base sa ulat ng Department of Health (DOH), mayroon pang sapat na stock ng bakuna laban sa COVID-19 ang bansa.
Kaya naman ang mga bakunang bibilhin sa susunod na taon ay para sa booster shot ng vulnerable sectors.