Nasabat ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (BOC-MICP) ang 228 million pesos na halaga ng mga ipinuslit na asukal mula sa Thailand.
Ayon sa BOC, naglalaman ng 1,906 metrikong tonelada ng cane refined sugar ang 76 containers.
Kaugnay nito, hiniling ng MICP Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang pagpapalabas ng alert order laban sa kargamento dahil hindi ito sakop ng import clearance mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Dahil dito, binigyan ng warrant of seizure and detention ang mga nasabing kargamento. —sa panulat ni Jenn Patrolla