Sinita ng Commission on Audit ang kwestyunableng paggamit ng 237 million pesos na pondo mula sa 500 million pesos na confidential fund ng Office of the Vice President noong 2023.
Ito naman ang ikinabahala ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Representative Jay Khonghun, matapos itong ihayag ng COA kung saan 73 million pesos mula sa 125 million pesos na confidential fund ang naubos sa loob lamang ng labing isang araw noong 2022 na mayroong Notice of Disallowance.
Nanawagan rin ang kongresista sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang naturang pondo, at huwag aniyang iwasan ang mga tanong kaugnay dito.
Batay sa ulat ng COA sa pagdinig, naubos ang 500 million pesos na confidential fund sa loob ng pitong buwan o paggastos na 2.4 million pesos kada araw.