Sinelyuhan na ng Metro Pacific Investments Corporation (MIPC) ang P24.2 billion loan mula sa iba’t- ibang bangko upang pondohan ang Cavite-Laguna (CALAX) project.
Lumagda ang subsidiary ng MPIC na MPCALA Holdings Incorporated ng kasunduan na sumasaklaw sa 15-year term loan facility ng BDO, Union Bank, RCBC, BPI, Security Bank at Land Bank of the Philippines.
Kabuuang P35.4 billion ang halaga ng proyekto na magdurugtong sa Cavite Expressway (CAVITEX) sa Kawit, Imus, Dasmariñas at Silang, Cavite hanggang mamplasan exit ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Biñan, Laguna.
Nakatakda namang buksan sa Hulyo ang unang sampung kilometro ng CALAX sa Laguna subalit posibleng magkaroon ng delay ang pagbubukas nito sa Cavite dahil sa issue ng right of way.