Tiniyak ng PhilHealth na mababayaran nila ang mahigit 25 billion peso claims sa mga pribadong ospital sa unang bahagi ng taong 2022.
Inilahad ni PhilHealth President Dante Gierran sa House Committee on Health Hearing na pino-proseso naang bayad sa mga ospital sa pamamagitan ng Debit-Credit Payment Method (DCPM).
Ang DCPM ang paraan ng PhilHealth upang mabayaran ang health care facilities sa ilalim ng state of public health emergency dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa nasabing proseso, mapabibilis ang paglabas ng pondo sa mga kwalipikadong ospital sa buong bansa.
Inatasan naman ni Gierran ang regional conciliation at mediation branches nito na makipag-ugnayan sa partner hospitals hinggil sa estado ng claims reimbursements at agad na ipagbigay-alam sakaling may issue.
Aabot na sa 12 billion pesos ang nabayaran ng PhilHealth sa ilalim ng DCPM.