Nakatakdang gumastos ng P25 bilyong piso ang pamahalaan para bumili ng mga fighter jets at free gates sa susunod na taon.
Ang nasabing halaga ay kukunin sa 2016 national budget ng AFP o Armed Forces of the Philippines.
Kabilang sa mga nakatakdang bilhing kagamitan ng pamahalaan ay mga fighter jets, aerial radars, free gates, long range at mga patrol crafts.
Ayon kay Defense Undersecretary Fernando Manalo, ang P25-billion budget ay bahagi ng P83.9-billion requirement para sa military modernization shopping list na inaprubahan ni Pangulong Noynoy Aquino.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal