Hinimok ng isang kongresista ang Malakanyang na isama sa panukalang 2023 National Budget, ang dagdag na 25 billion pesos para mapondohan ang karagdagang 500 buwanang pension para sa mga indigent senior citizens.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, kailangang magkaroon ng sapat na pondo ang gobyerno upang mapunan ang karagdagang halaga sa pagbibigay ng health maintenance needs lalo na ngayong tumataas ang presyo ng bilihin.
Nabatid na sa ilalim ng section 25 ng batas, hindi pwedeng dagdagan ang panukalang budget pero pwede itong bawasan.
Kaya paliwanag ni Pimentel na mas mabuting isama na sa susunod na panukalang pondo ang 25 billion pesos na dagdag.
Nitong Agosto lamang naging ganap na batas ang Republic Act no. 11916 kung saan ini-akyat sa 1000 mula 500 pesos ang monthly pension ng mga matatanda.