Dalawampu’t limang milyong piso lamang ang magiging budget para sa 2016 Sinulog Festival sa Cebu City.
Ayon kay Ricky Ballesteros, Executive Director ng Sinulog Foundation Inc., P30 milyong piso ang unang itinulak na pondo para rito pero ibinasura ito ni Acting Mayor Edgardo Labella.
Dahil dito, sinabi ni Ballesteros na pagkakasyahin na lamang nila ang naturang budget para sa pinakamalaking aktibidad sa lungsod ngayong taon.
Sinabi naman ni Ballesteros na nagkataong pito lamang ang mga contingent sa gaganaping grand parade sa Enero 17 kaya’t tiwala silang magkakasya ang kanilang budget nito.
Paliwanag ng opisyal, mas kaunti ang lalahok sa parada ngayon kumpara sa 10 contingents noong nakaraang taon.
By Jelbert Perdez