Isinusulong ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang P25-milyong Lawyers Security and Justice Fund para magbigay ng pabuya at suporta sa mga testigo sa pag-usig sa mga suspek sa pagpatay sa mga abogado.
Ayon kay IBP President Domingo Cayosa, ang paglagda nila sa memorandum of understanding on lawyer security sa Philippine National Police (PNP) ay patunay nang mahigpit na pagkondena sa pag-atake sa mga abogado.
Ang pamilya ng mga abogadong napaslang aniya ay uubrang makakuha ng libreng legal na serbisyo para maibigay sa mga ito ang katarungan.
Pinakahuling insidente ay pagpatay sa 73-taong gulang na si Atty. Bayani Dalangin na binaril at pinatay sa kaniyang opisina sa Talavera, Nueva Ecija.