Nagtalaga na ang Department of Agriculture (DA) ng P250-milyon bilang ayuda sa mga magsasaka at mangingisda sa Negros Oriental.
Ang hakbang, ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ay para mabawasan na rin ang epekto ng rice tariffication law at magpalakas sa anti-insurgency campaign.
Sinabi ni Dar na ang P250-milyon ay ilalaan sa mga tree planting program para sa mga magsasaka at aquaculture para sa mga mangingisda ngayong taon na ikinatuwa naman ng mga farmer at fisher folk organizations sa lalawigan.
Ipinabatid pa ni Dar na ang P5-bilyong pondo ay gagamitin sa modernization at farm mechanization ng local rice farmers upang mapalakas ang kanilang kakayahang makipagkompetensya sa international market.