Sisimulan na ngayong araw o bukas Becember 31, 2022 ng Department of Agriculture (DA) ang 250 pesos na halaga sa kada kilo ng sibuyas.
Sa pahayag ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, patuloy pang nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensya sa mga market master para mapababa ang presyo ng sibuyas sa bansa.
Iginiit ng opisyal na gumagawa na ng paraan ang DA kung saan, naghahanap na sila ng maaaring magbagsak presyo ng sibuyas upang maipatupad ang nasabing presyo bago matapos ang taong 2022.
Matatandaang sumirit sa 600 hanggang 720 pesos ang kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa metro manila dahil umano sa pagtaas ng demand at mataas na farmgate cost ng agricultural products.