Nakatakdang magpulong ang Department of Agriculture at mga stakeholder sa susunod na linggo.
Ito’y para pag-usapan kung kailangan pang palawigin o baguhin ang P250 na Suggested Retail Price (SRP) sa sibuyas sa ilalim ng Administrative Circular 12.
Ayon kay D.A. Assistant Secretary Kristine Evangelista, kabilang sa kanilang ikinukonsidera ang posibleng pagbaba ng farmgate price dahil sa pagsisimula ng anihan sa Enero 15.
Na-monitor anya nila na may ilang palengke na bagaman nagbaba ng presyo ng sibuyas hanggang P470 pesos kada kilo, hindi pa rin nito pasok sa S.R.P.
Sa kabila nito patuloy na nakikipag-ugnayan ang kagawaran sa mga nangangasiwa sa mga palengke at tindera upang makahanap ng supplier ng sibuyas sa murang halaga. –sa panulat ni Jenn Patrolla