Tinatayang 250,000 pisong halaga ng mga iligal na christmas lights at paputok ang nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang serye ng operasyon sa Metro Manila at Bocaue, Bulacan.
Ayon sa DTI, katumbas ito ng 375 units ng christmas lights at 227 piraso ng hindi lisensyadong paputok.
Nakapag-isyu rin ang ahensya ng 16 na notices of violation at na-monitor ang mahigit 70 retail establishments.
Nagpaalala naman ang DTI sa publiko na suriing mabuti ang mga binibili at tiyaking mayroong marka ng philippine standard o import commodity clearance sticker para sa mga christmas lights habang ang mga paputok ay dapat na may Philippine standard sticker. – sa panulat ni Hannah Oledan