Tumaas ang family living wage o sahod na kailangan kada araw ng pamilyang may limang miyembro sa National Capital Region (NCR).
Lumabas sa pag-aaral ng Ibon Foundation, na ang pamilyang mayroong limang miyembro ay kailangan ng mahigit P25,000 kada buwan upang mabili ang lahat ng kanilang pangunahing pangangailangan.
Ayon sa naturang foundation, malayo ang naturang halaga sa basic minimum wage sa NCR na P537 kada araw.
Dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng iba’t-ibang bilihin at serbisyo nabatid na 1,072 pesos ang kailangan kada araw o P25,252 kada buwan upang mabili ng pamilya na may limang miyembro ang kanilang pangangailangan.
Samantala, kabilang sa mga ikinonsiderang arawang gastusin ng pamilyang pilipino ang pagkain, renta sa bahay, ipon, tubig, huryente, gas, transportasyon at edukasyon. —sa panulat ni Mara Valle