Desidido ang Alliance of Concerned Teachers o ACT Party-list Group na isulong ang P25,000 minimum na pasahod sa mga guro.
Sa kabila ito ng pagtaas ng sahod ng mga guro dahil sa pagpapatupad ng ikatlong bahagi ng Salary Standardization Law ngayong taon at exemption sa pagbabayad ng buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon kay ACT Party-list Representative France Castro, bagamat umabot na sa mahigit P20,000 ang suweldo ng mga guro na hindi babayaran ng buwis, kulang pa rin ito para sa disenteng pamumuhay dahil sa pagtaas naman ng halaga ng bilihin.
Aminado si Castro na hirap umusad sa Kongreso ang kanilang panukala dahil tila prayoridad ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo at pulis.
“Alam niyo po ang P20,179 kulang pa po ito talaga kung tutuusin natin doon sa cost of living, kasi sabi ng gobyerno P30,000 at least for a family of five yung suweldo para magkaroon ng disenteng pamumuhay, talagang mapipilitang mag-loan ang mga teacher, at mag-sideline.” Pahayag ni Castro
(Balitang Todong Lakas Interview)