Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa Bureau of Customs (BOC) sa Port of Davao ang higit P26-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo.
Ito’y makaraang isailalim ang kargamento sa physical examination sa bisa na rin ng inisyung alert order ni District Collector Erastus Sandino Austria.
Sa ginawang pagsusuri ng mga awtoridad, nakita nila ang nasa 980 na mga master cases ng mga smuggled na sigarilyo.
Kabilang sa mga brand ng sigarilyo ay ang mga sumusunod: More, Mighty, D&B at Marvel Cigarettes.
Nabatid ng BOC na nauna itong idineklarang mga ‘plastic cups’ ng consignee nitong goldsmith trading.
Samantala, agad namang inisyuhan ng mga awtoridad ang naturang kargamento ng warrant of seizure and detention.