Aabot na sa 26 million pesos ang nalugi sa mga hog raiser sa Cotabato Province dahil sa panibagong wave ng African Swine Fever (ASF) infections na nagresulta na sa pagpatay sa mahigit limanlibong baboy sa Kidapawan City at sampu pang bayan.
Ayon kay Cotabato Provincial Veterinarian, Dr. Rufino Surupia, halos 900 hog raisers na ang labis na naapektuhan sa lalawigan ng ikalawang wave ng ASF outbreak na nagsimula sa bayan ng Mlang noong Disyembre.
Apektado rin ang mga bayan ng Kabacan, Tulunan, Magpet, President Roxas, Arakan, Libungan, Midsayap, Antipas at Carmen.
Na-contain naman na anya ang first wave ng ASF cases sa bayan ng Makilala at Kidapawan City matapos magpatupad ng mahigpit na security measures at monitoring ang lokal na pamahalaan sa mga boundary ng naturang lugar.
Isa sa mga itinuturong sanhi ang second wave ng sakit ang pag-order ng pork products mula sa mga ASF-infected areas, tulad ng Davao City.
Samantala, ipinaubaya na ng Department of Agriculture (DA) sa Philippine Crop Insurance Corporation ang pagkakaloob ng financial assistance sa mga apektadong magbababoy dahil naubos na ang quick response funds ng DA.