Nakatakda nang maglabas ang Social Security System o SSS ng P27.5B pension simula Disyembre 1.
Inihayag ng SSS na saklaw ng ilalabas na pensyon ang mga benepisyo para sa buwan ng Disyembre at ang 13th month pension.
Tinatayang 3.1-M pensyonado ng pribadong sektor ang makatatanggap ng benepisyo, na ilalagay sa kanilang mga bank account o e-wallet, o sa pamamagitan ng remittance transfer centers.
Kwalipikado sa 13th-month pension ang mga retiree, survivor at total disability pensioners ng State-Owned Pension Fund.
Simula pa noong 1988 ay namimigay na ang SSS ng 13th-month pensions kada Disyembre bukod pa sa regular na benepisyo ng mga pensioner kada buwan. —sa panulat ni Drew Nacino