Humiling ang Department of Health (DOH) ng karagdagang pondo na 27 billion pesos para sa health emergency allowance ng mga medical frontliners.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa nila ang sagot ng Department of Budget and Management upang maibigay na rin sa mga health worker ang kanilang benepisyo bago magpasko.
Alinsunod ito sa Republic Act 11712 o Public Health Emergency Benefits at Allowances para sa mga health workers.
Makatatanggap ng 3,000 pesos ang mga naka-deploy sa low risk; 6,000 para sa medium risk areashabang 9,000 pesos para sa mga high risk areas.
Sa ngayon, aabot na sa 19.4 billion pesos ang halaga ng mga benepisyong ipinamahagi sa mga health worker. —sa panulat ni Jenn Patrolla