Nangangamba ang Department of Agriculture (DA) na magresulta sa African Swine Fever (ASF) scare ang mga report hinggil sa pagkakasakit ng mga baboy sa ilang piggery sa Luzon.
Ayon kay Noel Reyes, spokesman ng DA, aabot sa P270-B na halaga ng livestock industry ang nakataya dahil sa pangamba sa ASF.
Maliban anya sa mga hog raisers, marami pang negosyante at manggagawa ang umaasa sa livestock industry.
Ito anya ang dahilan kayat maingat sila sa paghawak sa sitwasyon upang hindi lumikha ng panic sa publiko.
Sinabi ni Reyes na ito rin ang dahilan kaya’t hindi nila isinasapubliko ang resulta ng local laboratory test hanggat wala pa ang confirmatory test sa isang international laboratory na accredited ng World Organization for Animal Health.