Imumungkahi ng Department of Agriculture (DA) ang 270 billion pesos na budget para sa taong 2023 sa ilalim ng papasok na administrasyong Marcos Jr.
Ayon kay DA Secretary William Dar, “mas marami pa” ang maaaring gawin sa sektor ng agrikultura kung mabibigyan ito ng angkop na pondo at suporta, na kung saan ay “napabayaan” aniya ng mahigit 30 taon.
Paliwag niya na ang nasabing halaga ay nasa level of budget na kanilang kailangan.
Una nang hiniling ng DA ang 8 billion pesos hanggang 10 billion pesos na dagdag sa 91 billion pesos na proposed budget para sa taong 2022.
Nabatid rin na orihinal na iminungkahi ng kagawaran ang 231 billion pesos na pondo pero inirekomenda lamang ng Department of Budget and Management (DBM) ang 91 billion pesos na pondo sa kongreso.