Namahagi ng mahigit P28.1M na halaga ng cash assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya bunsod ng matinding pagbaha dulot ng shearline sa Misamis Occidental at Misamis Oriental.
Ayon kay DSWD Region 10 Assistant Director Ronald Ryan Cui, nakatanggap ng tig-P5,000 ang mga residente sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Kabilang naman sa mga nabigyan ang 1,016 residente mula sa Jimenez, 422 pamilya mula sa Plaridel at 24 pamilya mula sa Gingoog City.
Personal namang ipinaabot ni Cagayan de Oro City Mayor Rolando Uy ang tskeke na nagkakahalagang P2M kay Misamis Occidental Vice Governor Rowena Gutierrez bilang tulong ng lungsod sa probinsya.