Halos P28 billion na halaga ng tulong pinansyal at serbisyo ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Timog Katagalugan.
Sa kanyang talumpati sa Cavite, sinabi ni Pangulong Marcos na naglabas ang administrasyon ng P9.9 billion para sa Philippine Rural Development Plan na magsusulong sa moderno at climate-smart agriculture at fishery sector sa rehiyon.
Namigay naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P11.23 billion na ayuda para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, at iba pang lubos na nangangailangan; habang nagkaloob ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng mahigit P28 million na halaga ng scholarship.
Dagdag pa rito, nagpaabot ng tulong ang Department of Trade and Industry (DTI), Commission on Higher Education (CHED), at iba pang ahensya ng pamahalaan sa rehiyon.