Aabot sa 200 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat sa Manila International Container Port.
Isinagawa ang interdiction operation ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police.
Isinilid sa limang “Balikbayan” Boxes sa M.I.C.P. Ang mga iligal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P283- M
Wala namang naaresto sa nasabing operasyon habang tinututunan na kung kanino nakapangalan ang kontrabando.
Samantala, pinapurihan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mga kinatawan ng aduwana sa maigting na pagpapatupad ng mga hakbang upang maharang ang mga iligal na droga na tinatangkang ipuslit sa bansa.