Natumbok ng nag-iisang mananaya mula Abucay City, Bataan ang P29.7 milyon na jackpot prize sa Grand Lotto 6/55.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma, nakuha ng masuwerteng bettor ang winning combination na 13-01-50-10-51-54.
Dalawang mananaya naman ang nakasungkit ng second prize kaya’t makakapagbulsa ang mga ito ng P100,000 bawat isa matapos mahulaan ang lima sa anim na kumbinasyon.
Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.