Hindi pa rin natitinag ang pusta ni dating Senador Nikki Coseteng na 2 million pesos laban kay Transportation Secretary Art Tugade at iba pang opisyal ng Department of Transportation (DOTr).
Ito ang binigyang-diin ni Coseteng kasabay ng kanyang panibagong hamon sa mga nasabing opisyal na sumama sa kanyang mag-ocular inspection upang maramdaman ang hirap sa pagbiyahe ng mga mananakay patungo sa provincial buses hanggang sa kanilang destinasyon.
Sa kanyang pagdalo sa isang forum sa Quezon City, inimbitahan ng dating senador si Tugade at iba pang opisyal ng kagawaran, maging ang publiko na magkita sila mamayang alas 10 ng umaga sa tapat ng isang fastfood chain sa Edsa-Monumento, Caloocan City.
Dito anya nila malalaman kung anong klaseng hirap ang dinaranas ng mga mananakay sa paglipat-lipat ng mga terminal papunta at palabas ng Metro Manila.
Samantala, nilinaw naman ng dating mambabatas na wala siyang pagmamay-ari na kahit isang pero hindi na niya matiis ang kaliwa’t kanang reklamo na kanyang natatanggap mula sa publiko.