Nadagdagan pa ngayong araw ang mga point to point o P2P bus na bumibiyahe bilang alternatibong transportasyon sa mga pasahero ng Metro Rail Transit o MRT.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Board Member Aileen Lizada, nasa animnapung (60) P2P ang umarangkada sa kasagsagan ng rush hour o mula alas-5:00 kaninang madaling araw hanggang alas-9:00 ng umaga.
Sinabi ni Lizada na tatagal hanggang Abril ang operasyon ng naturang mga bus kung saan ang pasahe ay nasa kinse pesos (P15) lamang.
Matatandaang noong weekend ay nasa walong tren lamang ng MRT ang bumibiyahe kaya’t inaabot ng higit sampung (10) minuto ang mga pasahero bago makasakay.
—-