Mahigpit na ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang point-to-point o P2P operation ng UV express service.
Batay sa isang memorandum circular, kinansela ng LTFRB ang 2-kilometer radius o end points para sa UV express kung saan sila maaaring magsakay at magbaba ng mga pasahero.
Dahil dito, papayagan lamang na mag-load o unload ng mga mananakay ang isang UV express unit sa mga lugar o mga terminal na nakasaad sa kanilang prangkisa.