Inilunsad na rin ng Department of Transportation ang Point-to-Point o P2P service mula Cainta, Rizal hanggang Makati City.
Ayon sa DOTr, may rutang Robinsons-Cainta hanggang Trasierra Street, Makati ang P2P buses ng RRCG transport.
Nagkakahalaga ang pasahe na 90 pesos para sa regular passenger habang 72 pesos sa mga estudyante, senior citizens at persons with disabilities.
Apat na bus ang bumibiyahe kada araw kung saan pinaka-unang trip ang ala 5:30 ng madaling araw mula Cainta habang last trip ang ala 5:30 ng hapon.
Ala 7:30 ng umaga naman ang first trip ng bus mula Makati habang alas 8:00 ng umaga ang last trip.