Nagbanta si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na haharangin ang budget ng BOC o Bureau of Customs na nagkakahalaga ng 3.1 billion pesos sa susunod na taon.
Ito ayon kay Drilon ay kung hindi aaprubahan ng Malakanyang ang pag-amyenda sa Administrative Order No. 243a na naglalayong palawakin ang saklaw ng pre-inspection and shipment at maisama ang mga non-containerized shipment.
Ayon kay Drilon, kung saklaw na ang mga non-containerized shipment sa nasabing Administrative Order ay hindi na sana naipasok sa bansa ang 6.4 billion pesos na halaga ng shabu.
Giit pa ni Drilon suportahan man o hindi ng mayorya ng senado ang kanyang posisyon ay ipalalagay niya sa record ang pagharang sa budget ng BOC, oras na hindi aprubahan ng Malakanyang ang kanyang panukalang amendment.
I will block the budget of the Customs unless, the matter of the pre-shipment inspection can be put to full views, pre-inspection before shipment and the cause of origin.
I will place my position record, I will impose the approval of the customs bureau budget.