Umabot sa P3.1 milyon na halaga ng marijuana ang winasak sa magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa cordillera.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office Cordillera, umabot sa 3,675 na puno ng fully grown marijuana plants; 20,000 grams ng dried marijuana stalks, at fruiting tops ang winasak ng mga otoridad.
Na nakuha mula sa apat na plantasyon sa bahagi ng Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet at Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet.
Samantala, limang indibidwal naman ang naaresto ng mga otoridad sa magkakahiwalay na drug operations sa lalawigan naman ng Abra, Benguet at Baguio City.
Apat sa mga nadakip ay pawang mga high-value individuals habang ang isa ay street-level individual.
Nahaharap naman sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga ang mga nahuling suspek