Tiniyak ng palasyo ang P3.37B na pondong kailangan para sa rehabilitasyon ng mga silid-aralan na winasak ng bagyong Odette.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, kabilang ang nasabing halaga sa post disaster needs assesment ng Office of the Civil Defense katuwang ang National Economic Development Authority.
Ilan anya sa pondo ay manggagaling sa 2022 regular budget ng School Building Program ng Department of Education.
Inihayag din ni Nograles na kung hindi sapat ang nasabing pondo ay maghahanap ang pamahalaan ng paraan upang pondohan ang muling pagtatayo at pagsasaayos ng mga silid-aralan.
Sa pagtaya ni Education Secretary Leonor Briones, mahigit 1,060 classrooms ang nawasak habang nasa 1,300 ang bahagyang napinsala. —sa panulat ni Drew Nacino