Nasabat ng mga otoridad ang higit tatlong milyong halaga ng hinihinalang shabu matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City.
Ayon sa PDEA-NCR, inaresto ang isang 27 anyos na residente ng tondo na itinuturing na high-value target ng ahensiya dahil sa pagbabagsak ng ilegal na droga sa Maynila at CAMANAVA.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. —sa panulat ni Airiam Sancho