Nasamsam ang 3.4 milyon pesos na halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng PDEA sa Western Bicutan, Taguig City kaninang alas 2:30 ng hapon.
Ang mga suspek ay sina Joel Samapayan Undong, Zainab Mundas Pamansag at Aiza Managili.
Narekober sa mga suspek ang 10 pirasong plastic sachet na may 500 gram na shabu, isang cellphone at buy-bust money.
Kabilang ang apat na inaresto sa drugs watch list ng PDEA at sila ay nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.