Arestado ang isang suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa Negros Occidental.
Kinilala ng mga pulisya ang suspek na si Emil Fernandez Mariano, 39 taon gulang na isang high-value target sa lungsod ng San Carlos sa nasabing probinsya.
Nasamsam mula sa suspek ang 25 sachets o 500g ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit tatlong milyong piso (P3.4-M)
Nahaharap naman ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. —sa panulat ni Airiam Sancho