Winasak ng mga otoridad ang P3.4 milyong halaga ng tanim na marijuana sa walong lugar sa Ilocos Sur at Benguet, kamakailan.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 director Ronald Allan Ricardo, sinalakay ng mga tauhan ng PDEA-La Union, PDEA-Ilocos Sur, Police Regional Office 1-Regional Drug Enforcement Unit (PROI-RDEU) at iba ang ahensya ng gobyerno, ang apat na taniman ng marijuana sa hangganan ng Sitio Addan-Nagawa, Barangay Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur nitong Setyembre a-8.
Sinalakay din ng mga otoridad ang dalawang taniman sa Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet na sinundan ng dalawa pang marijuana plantations sa hangganan ng Mt. Balungabing, Brgy. Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur, at Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet.
Agad na sinunog ang mga nakumpiskang marijuana habang patuloy pang pinaghahanap ang mga responsible sa pagtatanim ng mga marijuana.