Nasa P3.5-B ang inilaan sa ilalim ng panukalang pambansang pondo sa taong 2023 para sa subsidiya sa langis ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan, magsasaka at mangingisda.
Kung saan P2.5 Bilyong ang nakalaan para sa fuel subsidy ng mga drayber ng pampublikong jeepney, taxi, tricycle at full-time ride-hailing at delivery service.
Habang P510-M at P490-M naman para sa subsidiya sa langis ng mga magsasaka ng mais at mangingisda.
Kaugnay nito gagawin ang paglalabas ng fuel subsidy oras na ang average na presyo ng Dubai Crude Oil sa mean platts Singapore ay umabot o lumagpas sa $80 kada bariles sa loob ng tatlong buwan.