Aabot sa P3.5-M ang halaga ng ibat-ibang uri ng exotic animals ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Ayon sa mga otoridad, nadiskubre ang mga exotic na hayop at halaman nang inspeksyunin sa Logistics warehouse ang import shipment mula Thailand na nakapangalan sa isang tindahan ng Aquatic fish, Pets, Plants at Supplies sa Quezon City.
Kabilang sa mga nakumpiska ang 180 albino soft-shelled turtles, 120 pacman frogs, at 38,188 na ibat-ibang uri ng mga isda.
Bukod pa diyan, nasamsam din ang 718 anubias plants at 260 microsorium plants na pawang mga walang permit to import.
Dahil dito, posibleng mapatawan ng 500% surcharge ng singil na duty at tax hindi pa kasama ang posibleng pagkakakulong at multa ng sino mang mapapatunayang lumabag sa batas sa ilalim ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act. —sa panulat ni Angelica Doctolero