Inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang halos 4 billion pesos na pondo para sa pagpapatuloy ng Free Wifi Program sa buong bansa ng Department of Information and Communication Technology.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, kukunin sa Special Account in the General Fund-Free Public Internet Access Fund (FPIAF) para sa Fiscal year 2024 ang nasabing halaga.
Bukod pa ito sa naunang 2.5 billion pesos na inilaan para sa FPIAF ngayong taon.
Nakalaan ang nasabing pondo para sa paglulunsad sa buong bansa ng Free Public Internet Access Program na makakatulong sa mahigit 13,000 access point sites sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Pagtatayo ng ICT infrastructure katulad ng mga towers, data centers, at internet connection ang kabilang sa FPIAP.