Nasa 3.7 bilyong piso ang inilaan ng Department of Agriculture (DA) para tulungan ang mga magsasakang apektado ng bagyong Usman.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, pagkakalooban ng financial assistance ang libu-libong magsasaka para muling makabangon mula sa naging pananalasa ng bagyo.
Sa tala ng DA, nasa halos dalawampu’t siyam (29) na magsasaka ang nasiraan ng pananim habang labing dalawang libong (12,000) ektarya naman ang lupain ang nasira dahil sa baha at landslide partikular sa Bicol Region.
Ang nasabing mga magsasaka ang makatatanggap ng dalawampu’t limang libong (P25,000) pisong soft loan at limang libong pisong (P5,000) cash assistance sa ilalim ng survival and recovery assistance program ng DA.
Dagdag pa dito ay ang mga punla na ipagkakaloob sa mga magsasaka.
—-